BE FIRED UP!

A FInancial REnaissance Journey of Juan

Ipon Invest

Ipon-Invest Challenge Update July 2020

Limang buwan pagkatapos ng huling update, ano na nga ba ang mga nangyari sa ating ipon-invest challenge?

Pandemic

Sa kasalukuyan ay patuloy padin ang pagkalat isang nakamamatay na sakit na tinatawag na COVID-19. At wala pang gamot o lunas ang nagagawa para dito.

Ang sakit na ito ay kumalat na sa buong mundo at patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit nito. Sa pinakahuling tala ay umabot na nga ng mahigit 50 thousand katao ang apektado sa Pilipinas.

Epekto ng COVID-19 sa Ekonomiya

Upang maiwasan ang pag dami ng bilang ng pwedeng magkasakit ay ipinatupad ang malawakang quarantine. Pansamantalang isinara ang mga negosyo at ipinatigil ang pagtatrabaho. Ang mga pampublikong sasakyan ay pinatigil din. Mahigpit din na ipinagbawal ang paglabas ng mga tao maliban lang kung eto ay bibili ng pagkain, tubig, o gamot.

Maliban sa sakit ay naging laman din ng mga pahayagan ang pagbagsak ng ilang negosyo. Ang ilang ay tuloyan nang nagsara.

Dahil dito, ang stock market kung saan tayo nag iinvest ay bumaba din.

Ipon-Investment Update

Sa kasalukuyan nga ay patuloy pa din tayo sa pag-iipon at pag-iinvest sa kabila ng mga nangyayaring hindi maganda sa ekonomiya.

Matatandaan nga sa ating huling update na tayo nga ay nag-iivest sa dalawang magkaibang mutual fund. Una ay sa PhilAm Strategic Growth Fund at ang pangalawa ay sa Sun Life Posperity Equity Fund.

PhilAm Strategic Growth Fund: Total investment of Php 18,405.01
Sun Life Prosperity Equity Fund: Total investment of Php 5050.00

Para sa Philam Life Strategic Growth Fund, tayo ay nakapag invest na ng Php 18,405.01. Sa kasalukuyan ay may market value ito na Php 15,263.85. Ibig sabihin ay nagkaroon tayo ng loss na Php 3,141.16 or -17.01%.

Para naman sa Sun Life Prosperity Equity Fund, tayo ay nakapag invest na ng Php 5,050.00. Sa kasalukuyan ay may market value ito na Php 4,698.51. Ibig sabihin ay nagkaroon tayo ng loss na Php 351.49 or -6.96%.

Saan nga ba makakarating ang 33 pesos mo?

Ating alamin kung saan nga ba makakarating ang pag-iipon natin ng 33 pesos kada araw. At pag-iinvest nito sa Mutual Fund kada buwan.

Naniniwala ako na kaya mo din ito. At alam ko na kaya mo pa itong higitan.

Kung nais mo din gawin ang ipon-invest challenge na ito, ipaalam mo lang saakin at pwede kitang tulongan. Mag comment ka lang sa ibaba.

Stay Home and Stay Safe.