BE FIRED UP!

A FInancial REnaissance Journey of Juan

Ipon Invest

Ipon-Invest Challenge Update February 2021

Seven months after our last update, what is going on with our ipon-invest challenge?

Kung ikaw ay bago sa blog na ito at gusto mong malaman kung ano nga ba ang ipon-invest challenge, click mo ito para malaman ang detalye nito.

COVID-19 Vaccine

Sa ngayon ay may mga ilang kompanya na ang nakagawa ng vaccine para sa covid-19 subalit ito ay wala pa sa Pilipinas. Inaasahan na sa pagdating ng vaccine, ang takbo ng ekonomiya ay sisiglang muli at magsisimula na ulit dumami ang trabaho.

Unti unting paglabas ng mga tao

Sa kasalukuyan ay unti unti na rin bumabalik ang mga negosyo at trabaho. Ang pampublikong transportasyon ay nakabalik na sa ating mga kalsada.

Maging ang mga pook pasyalan  ay nagkakaroon na rin ng mga tao.

Ipon-Invest Update

Ang huling update ay noon pang July 2020.

Mula Agosto hanggang Disyembre, ako ay nag ipon ng mahigit kumulang isang libong piso kada buwan. At muling nag invest ako sa kataposan ng buwan ng Disyembre 2020. Ako ay nakaipon ng Php 5,010 at bumili ng Sun Life Prosperity Equity Fund sa halaggang 3.6243 (NAVPS) o katumbas ng 1382 shares.

Ako ay muling naka ipon ng dalawang libong piso para sa buwan ng Enero at Pebrero 2021. Ito ay akin namang ini invest sa Philam Strategic Growth Fund. Ako ay nakabili ng 4 shares sa halagang Php 1,931.20.

Sa kabuuan, ako ay may na-ipon at na-invest na 30,396 sa loob ng 26 na buwan. At sa kasalukuyan ay may loss ako na 1361 or 5.96 %

Saan nga ba makakararing ang 33 pesos mo?

Ating alamin kung saan ng aba makakaraing ang pag-iipon nating ng 33 pesos kada araw. At pag-iinvest nito sa Mutual Fund kada buwan.

Naniniwala ako na kaya mo din ito. At alam ko na kaya mo pa itong higitan kaibigan.

Kung nais mo din gawin ang ipon-invest challenge na ito, ipaalam mo lang saakin at pwede kitang tulongan. Mag comment ka lang sa ibaba.

Salamat at hanggang sa muli.