BE FIRED UP!

A FInancial REnaissance Journey of Juan

Ipon Invest

Ipon-Invest Challenge Update February 2020

Isang taon na ang nakalipas at ano na nga ba ang narating ng ating challenge.

January 11, 2019 – November 8, 2019

Nais kung ibahagi ang tala ng 11 months na pag-iipon at pag iinvest.

Mapapansin nyo siguro na sa buwan ng February 2019 ay dalawang beses ako ng invest. Una ay Php547.31. Sa pangalawa ay Php543.43. Yan ay dahil nagkamali ako ng pagpasok sa amount.

Kung ang kasalukuyang presyo ay Php547.31 at Php1,000.00 lang ang pinasok mo, yan ay katumbas lamang na isang unit. Kung kaya ang kukunin lang sa isang libo mo (Php1,000.00) ay Php547.31.

Yan ang dahilan kung bakit kinailangan ko ulit bumili ng isang unit. Ang mabuting balita ay bumaba ng tatlong peso (Php3.00) kaya nakuha ko yung sumunod na unit sa buwan na ito sa halagang Php543.43.

Dahil din sa parehong dahilan, kung kaya ang na-invest ko lang sa buwan ng May 2019 ay Php537.94. At sa sumunod na buwan na lang ako bumawi. Kayo sa buwan ng June 2019, bumili ako ng tatlong unit na katumbas ng Php1,655.86.

For 11 months, nakapag-ipon at invest ako ng Php15,770.09.

Note: hindi naman talaga eksakto ng 11 months sapagkat kinailangan ko ng Php5000 para simulan ang pag-invest sa Mutual Fund noong January 2019.

Ang pagbabago sa pag-invest

Noong December 2019 ay nagkaroon ng pagbabago sa Mutual Fund kung saan ko ini-invest ang aking naiipon.

Sinubukan kung hintayin hanggang ngayon February 2020 ngunit Pending padin ang status nito sa kasalukuyan (habang sinusulat ko ito).

Kung kaya nag hanap na lang ako ng ibang fund kung saan ko pwede ma invest yung yung aking naipon mula December 2019 hanggang February 2020.

Napili ko ang Sun Life Prosperity Equity Fund. Initial investment ay Php3,000.00 (katumbas ng 3-months). Ang kasalukuyang NAVPS ay Php3.9373.

Saan nga ba makakarating ang Php 33 pesos mo?

Ating alamin kung saan nga ba makakarating ang pag-iipon natin ng 33 pesos a day. At pag-iinvest nito sa Mutual Fund kada buwan.

Naniniwala ako na maraming tao ang kayang gawin ito. Kahit mga simpleng manggagawa ay kayang mag-tabi ng 33 pesos kada araw o katumbas ng 1,000 pesos kada buwan.

Nais mo rin bang mag-ipon at mag-invest, let me know by leaving a comment below