BE FIRED UP!

A FInancial REnaissance Journey of Juan

Ipon Invest

Ipon-Invest Challenge Update December 2022

47 months (January 2019 to December 2022) na ang nakakalipas simula ng mag-umpisa ang ating ipon-invest challenge. Marami ng nagbago sa takbo ng mundo at sa Pilipinas.

COVID-19 Recovery

Ang sakit na nagdulot ng malaking pinsala sa kabuhayan at buhay ng tao sa buong mundo ay unti-unti nang nakokontrol sa mga nakalipas na buwan. Marami na ang nabakunahan ng vaccine. At dahil dyan ay nagbukas na muli ang mga commercial establishments and offices. Marami ng tao ang muling nakakalabas upang magtrabaho o kaya naman ay mamasyal.

Bagaman hindi pa tuluyang nawawala, ang COVID-19 ay hindi na gaanong nagiging laman ng balita. Sa kasalukuyan ay meron na lamang mahigi 15 thousand active cases ayon sa website ng DOH (https://doh.gov.ph/covid19tracker)

New Philippine President

Anim na buwan ang nakakaraan ay nanumpa si Ferdinand Marcos Jr bilang ika-17 na presidente ng Pilipinas.

My New Work

Ako nga ay nawalang ng trabaho noong July ng taong ito. At pagkatapos ng dalawang buwan, ako’y nakapag simula na muli sa panibagong trabaho.

Ipon-Invest Update

January 2019 noong simulan ko etong challenge. 47 months ang nakalipas, 47 thousand pesos plus yung initial na 5 thousand pesos para mabili ko ang initial na mutual fund.

Sa kasalukyan na naka invest eto sa tatlong fund. Una ay sa Philam Strategic Growth Fund, pangalawa ay sa Sunlife Prosperity Equity Fund, at pangatlo ang ALFM Growth fund. Ang tatlong eto ay nag iinvest sa Philippine market.

Ang kabuuang investment sa tatlong mutual fund ay may pagkalugi ng 9.05% sa kasalukuyan